Nakuha ko to sa blog ni Vince. Ang ganda kasi kaya ko nilagay din dito. Lahat nga naman ng bagay ay may hangganan, lalo na ang mga bulaklak at halakhak. :)
Alam ko mang may hangganan ang bulaklak (Para Kay E.)
Alam ko mang may hangganan ang bulaklak at halakhak At alam mong dumarating ang tag-araw nang palihim, Ano itong uhaw, mortal at masidhi, At sa ngayo'y di-matighaw ng bumuhos na luningning?
Anung bigat ng taglagas na naimbak sa dibdib ko! Waring yagit, plema't latak ng tagsibol Na bagama't sasandali ang luntian at silakbo Ay dapat kong ipagdusa't habang-buhay na iburol.
Dasal ngayo'y isang gabing darating ka; Lilinisin mo ang puso't tatanggalan ng alabok, Huhugasan mo ang dila't lalamunan Na lumansa sa serbesa't sinaunang pampaantok.
Alam mo bang may tulad mong hindi pansin kung kaharap At kung tiyak na wala na'y saka laging hinahanap?
Rio Alma
| |
|