ReviewReviewReviewReviewReviewI'm Confessin' (That I Love You)Jun 5, '07 4:06 AM
for everyone
Category:Music
Genre: Jazz
Artist:Lizz Wright
I first heard this on the Heroes TV series. It's her take on a popular song, apparently.I love her voice, it's like honeyed brandy on a cold rainy day when you just want to curl up in bed and watch the rain beat against the windows. It's been on endless repeat on my player since I downloaded it this morning; it's so soothing, I can probably listen to it till I go to bed this evening. :)

I'll try to upload the audio track for this song one of these days, when I get around to resizing it and when I'm in the vicinity of a faster connection. :) In the meantime, if you're really curious, you could always do what I did and hunt for it in Limewire. You'll need a lot of patience, though; this one isn't easy to find. Lyrics below. Enjoy!


********************
I'm Confessin'
Lizz Wright

I'm confessin' that I love you, tell me, do you love me too?
I'm confessin' that I need you, honest I do. I need you every moment.
In your eyes I read such strange things, but your lips deny they're true.

Will your answer really change things, making me blue?
I'm afraid some day you'll leave me, saying "Can't we still be friends?"

If you go, you know you'll grieve me, all in life on you depends.
Am I guessing that you love me, dreaming dreams of you in vain?
I'm confessin' that I love you, over and over again.

I'm confessin' that I love you. Tell me, do you love me, too?
I'm confessin' that I need you, honest I do.
Oh, honest I do.
Oh, I need you.

ReviewReviewReviewReviewReviewKung mahal mo ako't ibig kilalanin...Apr 9, '07 1:38 PM
for everyone
Category:Other
Ito'y isang tula ni Ruth Elynia Mabanglo na isinaawit ni Susan Fernandez, isa sa mga mang-aawit na aking pinakatatangi. Una ko itong narining isang gabing may idinaos na pagtatanghal sa Bantayog ng mga Bayani para sa mga nasawi sa Martial Law may ilang taon na rin ang nakalilipas. Kulang ang sabihing maganda ang piyesang ito; sa katunayan, kinilabutan ako ng una ko itong marinig. Tila inaarok ng mangaawit at manunulat ang kaibuturan ng kaluluwa ng isang babaeng naghahangad na siya'y makilala ng lubusan ng kanyang minamahal. Mula noon hanggang ngayon ay nagkaroon na ito ng puwang sa puso ko. Sana'y maibigan niyo rin.


++++++++++


Kung Ibig Mo Akong Makilala
tula ni Ruth Elynia Mabanglo

Kung ibig mo akong makilala,
lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat --
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko't bukas.

Kung ibig mo akong makilala,
sunduin mo ako sa himlayang dilim
at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil,
ibangon ako at saka palayain.

Isang pag-ibig na lipos ng lingap,
tahanang malaya sa pangamba at sumbat
may suhay ng tuwa't ang kaluwalhatia'y
walang takda --
ialay mong lahat ito sa akin
kung mahal mo ako't ibig kilalanin.

Kung ibig mo akong kilalanin,
sisirin mo ako hanggang buto,
liparin mo ako hanggang utak,
umilanglang ka hanggang kaluluwa --
hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.

Category:Other
Nakuha ko to sa blog ni Vince. Ang ganda kasi kaya ko nilagay din dito. Lahat nga naman ng bagay ay may hangganan, lalo na ang mga bulaklak at halakhak. :)


Alam ko mang may hangganan ang bulaklak
(Para Kay E.)

Alam ko mang may hangganan ang bulaklak at halakhak
At alam mong dumarating ang tag-araw nang palihim,
Ano itong uhaw, mortal at masidhi,
At sa ngayo'y di-matighaw ng bumuhos na luningning?

Anung bigat ng taglagas na naimbak sa dibdib ko!
Waring yagit, plema't latak ng tagsibol
Na bagama't sasandali ang luntian at silakbo
Ay dapat kong ipagdusa't habang-buhay na iburol.

Dasal ngayo'y isang gabing darating ka;
Lilinisin mo ang puso't tatanggalan ng alabok,
Huhugasan mo ang dila't lalamunan
Na lumansa sa serbesa't sinaunang pampaantok.

Alam mo bang may tulad mong hindi pansin kung kaharap
At kung tiyak na wala na'y saka laging hinahanap?

Rio Alma

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help